| 2 Kumentaryo ]

Kasuklam-suklam kung ika’y titingnan,
Dahil sa iyong hubad na katawang puno ng saksak.
Ang iyong mukha…sabod…basag
At punung-puno ng sariwang dugo mula sa katawan.

Apoy
…saan mang sulok ay may apoy
Lahat ng tao ay nagkakagulo…
Pulis, sibilyan at lider ng Mundo;
Galit na galit dahil sa ginawa mo.

Tumakbo ka…
Hinabol at tinadtad ng suntok at tadyak…
Pinalo sa ulo…
Sabog ang batok…

Hindi pa nakontento,
dahil galit sa iyo,tinadtad pa ng bala patagos sa buto.
Ang mukha mo’y sabog
At punong-puno ng dugo...

Sa gitna ng kaguluhan
Naiwan kang mabaho...
Nilalangaw at nilalapitan
Ng iba’t ibang insekto…

Iniwan ka sa gitna
Habang ang alikabok
Nakikiramay sa dinanas mo...
Habang ang Usok ang tanging bumalot sa iyo.

Tumakbo ka…
Hinabol at tinadtad ng suntok at tadyak…
Pinalo sa ulo…
Sabog ang batok…

Hindi pa nakontento,
dahil galit sa iyo,tinadtad pa ng bala patagos sa buto.
Ang mukha mo’y sabog
At punong-puno ng dugo...

Naiwan kang nag-iisa.
Walang karamay.
Pero sa kabila nito,
Ngiti pa rin ang iniwan mo sa mundo.

2 Kumentaryo

Turismoboi said... @ January 4, 2008 at 2:48 AM

alamo mo b ung mga dogs na malapit ang dog kennel and training school nila samin

and barkada ko may ari ng training school na yan heehhe

McRey said... @ January 4, 2008 at 11:50 AM

ano?

Sinong barkada?!

Post a Comment