Subalit paano mo maiaalis sa iyong sarili ang paghanga sa natatanging bagay na naging mahalagang bahagi na ng iyong buhay? Paano mo sasabihing,
Tama na! Okay na ako, ipagpapatuloy ko na ang buhay ko... magsimula na tayo.Kaya mo bang paniwalain ang iyong sarili na hindi mo kailangan ito?

Siguro dapat lang talaga tayong maniwala na ang unang hampas ang pinakamasakit... dahil kahit anumang paliwanag ang gawin, wala pa ring tatapat sa unang hampas... kung baga, hindi pa nakondisyon ang iyong katawan kung kaya't masakit.
Para sa lahat ng mga taong kinukulit ako na ilahad ang kwento ng aking buhay ay ito na ang pagkakataon nyong malaman lahat ng nais nyong malaman... sana
HINDI NYO TO MABASA!Nagsimula ang lahat noong nasa ika-5 grado na ako ng pag-aaral sa elementarya. BAgong salta ako sa paaralang iyon... kaya wala akong kilala. Pero syempre, dahil bata pa, hindi naman naging mahirap sa akin ang makahanap ng mga kaibigan... kaya sa maikling panahon ay nakilala ko ang una kong bestfriend.
Naging madali naman ang lahat sapagkat wala namang masyadong gawain na mahihirapan... marami akong nakilalang kaibigan at higit sa lahat,
nakilala ko sya.Paano ba nagsimula ang lahat?
Noong una ko siyang nakita eh wala naman akong naramdaman... na pagtripan ko lang siyang pag-usapan kasama ang aking unang bestfriend.... Kumakain siya kasama ang isang lalaki... may ka-share pa... sabi ko sa bestfriend ko:
HUI ko tingnan mo, ang sweet nila... asarin natin... OIII. Pero mabilis akong pinigilan ni bestfriend kasi magpinsan daw sila. Ang tanga ko. Mabuti na lang at hindi ko sila naasar.
Dahil pers month palang ng klase eh hindi pa masyadong magkakakilala ang lahat, kaya naman noong P.E. klase namin eh walang pakialam ang lahat kung sinuman ang maging kagrupo niya.
Dun ko siya unang nakausap."Sino Leader natin?" sabi nya...
"Ha? Sige ikaw na lang..."
"Ayoko, tayong dalawa na lang..." tugon naman niya...
"Sige."
Hindi ko alam kung paano pero sabay kaming umuwi noon... umupo kami... dun ko rin naranasan yung
kahit maingay ang buong paligid eh parang siya lang ang naririnig ko..."Sino crush mo?" tanong nya sa akin.
"Huh? Wala..."
"Pwede ba yun? Sino nga?" pilit nya.
"Ayoko nga baka magalit ka eh..."
"Bakit naman ako magagalit?" tugon niya, "Dali na sino nga?"
"Ikaw muna, tapos ako sunod..."
"Sige..." sabay turo sa crush niya...
"Hmm... ampanget naman..."
"Ang yabang mo naman, sige sino ang crush mo?"
"Ikaw."
Naging mabuti kaming magkaybigan noon... minsan nagkatampuhan rin... Naalala ko pa yung time gumawa ako ng sulat sa kanya... yun yung
unang love letter na ginawa ko sa buong buhay ko... at siguro
yun din yung last na ginawa ko... dun ko sinabi ang lahat, lahat lahat ng nais ko iparating sa kanya... dun ako naglakas loob na iparating sa kanya ang nais sabihin ng puso ko, pero sa huli, dahil sa punetang kaklase ko na nagsabi sa kanya na sinulatan ko siya eh,
PINUNIT KO NA LANG YUNG SULAT...
Nawalan na rin ako ng lakas na lood ibigay sa kanya kasi narinig ko na "
Pupunitin nya rin naman yun pag-uwi niya sa bahay..." kaya kaysa masaktan ako sa katotohanang ang sulat ko ay hindi rin naman babasahin eh pinunit ko na rin... mas mabuti na yun kaysa iba ang gumawa nun.
Nagkatampuhan na rin kami.... yung yung mga panahon na hindi nya talaga ako pinapansin... ewan ko ba kung bakit... sakto namatay lolo ko kaya malungkot talaga ako... yung tipong iyak na lang ako nang iyak sa sobrang lungkot.
Dun niya sinabi na okay na daw, Hindi na daw siya galit sa akin...Christmas Party namin, pero wala siya. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang pagkadismaya na naramdaman ko.
Grade 6. Nahiwalay na ako sa kanya at sa bestfriend ko. Napasama na ako sa seksyon ng mga matatalino... hindi na rin kami nagkita masyado...
Kung ka-edad kita eh marahil usong-uso sa paaralan nyo ang
SLUM BOOK. Meron siya nun, tapos pinasign nya ako dun... natuwa ako kaya ganadong-ganado akong sagutan ang lahat ng tanong dun...
"Who is your crush?" Hindi ko alam kung dapat kong ilagay ang pangalan nya... kaya ang nilagay ko na lang ay
"Alam mo na kung sino yun..."Uwian na nang makita kong binabasa niya at ng bestfriend ko yung SLUM BOOK na yun...
Naalala ko, gumawa pala ulit ako ng Love Letter para sa kanya. Noong una eh siryoso yun, pero nilapitan ako ng isang klasmeyt na gumawa rin ng love letter sa crush niya at yun nauwi sa pustahan kung sino ang unang rereplyan...
NATALO AKO.Sa makatuwid, ang tanging
LOVE LETTER na isinulat ko ng buong puso ay yung unang love letter na ginawa ko na pinunit ko rin. Kaya
FUCK FACT: Isa lang ang valid na love letter na nagawa ko until now.
Hanggang sa high school sya pa rin ang laman ng aking puso't isipan... hahaha... tang ina ano ba ang dapat itawag sa akin?
Minsanan ko lang siya makita sa school noong high school kami tapos kapag nagkikita naman kami eh laging sumasablay... nakakainis... yung tipong bigla akong mapapatingin sa iba o kaya naman saglit lang talaga... yung magkakatinginan lang kami.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari sa love story namin... siguro hindi lang kami ang itinakda o
hindi lang talaga niya ako gusto....Kaya naman hanggang ngayon eh kontento na ako sa pagview-view ng FS nya... at least dun eh nakikita ko siya nang pangmatagalan...
Ewan ko ba kung bakit hindi talaga ko sya makausap ng matagal, ibinigay niya yung number nya sa akin...
GLOBE ako
SMART nya... kaya yun hindi kami masyadong nagkausap dahil sa unli texting promo na yan... kaya
bumili ako ng SMART para naman eh magka unli text privilege ako. Pero sa kasamaang palad,
hindi na siya nagreply.Ang saklap... ang saklap saklap.
Kahapon, bumili ako ng merienda namin, nakasalubong ko siya... alam ko siya yun, nasulyapan ko ang kanyang mukha habang nakangiti... pero hindi ko siya pinansin... kasi nanlamig ang aking buong katawan... hindi ko maipaliwagan ang naramdaman ko noong mga oras na yun... basta para akong nahulog sa bangin... parang hinihila lahat ng internal organs ko... hindi ko na siya nilingon... san kaya sya papunta?
Minsan iniisip ko kung makakahanap ako ng iba, pero yung last time eh hindi rin nagwork-out... kasi sya pa rin ang mahal ko...
Kaya may pag-asa pa ba? Hahahah... ewan ko... san na ba ako patungo? Iniisip ko ang lapit-lapit lang ng bahay niya sa bahay ko pero parang ang layo-layo ng agwat naming dalawa. Pero sana, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako, na sa kalaunan eh magkaroon ako ng pagkakataong makausap naman siya ng matagal... kahit usap na lang...
PLEASE NAMAN! Usap na lang yun! Tuparin mo na, hindi ko na sya hiniling ng buong-buo, presensya na lang kaya PUMAYAG KA NA LORD!!!
sasali ako sa E[MO]Kwento MO: EMO writing contest ng kundiman.net. Ito na entry ko...