| 2 Kumentaryo ]

MIDTERM requirement namin sa RIZLIFE. Shetness madapakingshet. Bakit ba kasi kailangan pagarala kung sino ang asawa ng gobernador ng bayan nila rizal? Can't get it?! May mababago ba kung hindi ko kilala ang bitch na yun?! Tang ina talaga!!! Pwede naman si Rizal lang alanoe pero sana wag na isima yung oras na nakakita sya ng piso sa daan at tuwang-tuwa siya sa araw na yun. Pwede naman yung first time na nagjakol si rizal o kaya naman yung first sexperience nya... bakit yung asawa pa ng kung sinu-sino?! Ang bitch talaga!!! Nakakainis!
Mahirap dukhain sa isipan
Kagimbal-gimbal ngunit mapayapa
Ang huling sulyap sa lupang sinilangan
Ang huling pagkamatay ng araw

Ngunit di nga ba bumuka ang liwayway
At ang sinag ay gumapang sa lupa
Isang kinabukasang matatag – maganda
Matapos ang iyong pamamaalam

Isang sigalo sa iyong likuran
Walong bala ang sabay-sabay lumapastangan
Sa iyong pangarap para sa bayan
Sa iyong dugo’t laman – baga at atay


poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.P O O T poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.

G A poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.L I T

P A G S I poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.S I S I poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.

P poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.A G K A B U H A Y poot.galit.pagsisisi.pagkabuhay.


Hindi man kaayaaya wala na ring kwenta
Ang kahapon ay di na maibabalik pa
Marapat nga’t takpan ang iyong mukha
Upang ang luha’y di na masilayan pa

Ngunit di nga ba bumuka ang liwayway?
POOT. GALIT. PAGSISISI. PAGKABUHAY.
Ang kahapon ba’y di na maibabalik pa?
Paalam nga ba? Paalam?



2 Kumentaryo

lethalverses said... @ March 27, 2009 12:58 AM

ilang buhay ang huminga upang mamatay
sa bisig ng giling at dakilang inialay?
ang kabayanihang iniukit lamang sa bato
nanatiling nakalibing, saysay mo'y nakanino?


...pasensya na idol, hindi ko naiwasang dugtungan ang tula mo.

ang galing mong sumulat - kakaiba ang iyong istilo na maaari mong angkinin kasama ng 'yong pangalan at talino.

mabuhay ka bossing!

McRey said... @ March 28, 2009 1:22 PM

Rizal rizal rizal, nasan ka na nga ba?

Mas masaya talagang mag-aral ng rizal lalu na kung magaling yung prof... sayang talaga.

Salamat sa iyong komento... napapaisip din ako sa mga tula mo.

Post a Comment