Saturday medyo maulan pero may araw pa rin. Mabilis ang takbo ng FX na aking sinasakyan. Ayus na ayus, hindi ako malalate.
15 minutos makalipas ng pagsakay ko sa FX, nakarating na kami sa bukana ng Tandang Sora.... pero sa hindi inaasahang dahilan, biglang tumigil ang aming sasakyan sa likod ng kakatigil pa lang na ordinary bus.
Dahan-dahang umabante ang FX upang masilayan ang naganap.
Nagulat na lang ako ng tumambad sa aking mga mata ang isang YUPING TAXI... UMUUSOK... TUMATAGAS ANG GAS... MAAARING SUMABOG, hindi ko alam.
Malakas ang kabog ng aking dibdib. Buhay pa ba ang mga pasahero?!
Nakaraos ako ng makita kong sumilip ang mga bata, anak ng babaeng naipit naman sa passenger's seat sa tabi gn driver. Bumaba ang driver ng taxi, sumisensyas sa mga nakikiusyoso sa lumayo sa pinangyarihan ng krimen - halatang kabado... sumisenyas na umalis kay0 - marahil alam na baka sumabog ang taxi!
Kumaripas ng takbo ang isang medyo matabang mamon na nakaitim, pilit kinukuha ang mga batang naipit sa likod. Ang gas tumatagas, ang compartment, umuusok... ang taxi, maaaring sumabog.
Hindi pa pala ubos ang mga taong may malasakit sa kapwa... pero diba ganun naman talaga ang kadalasang ginagawa... kung baga adrenalin rush na ang nagsasabi sa kanila na tumulong ang kaibahan nga lang handa niyang iligtas ang mga bata sa kabili ng kaalamang maaaring sumabog ang taxi - maaaring hindi lang an gmga pasahero at driver ang mamatay, kasama siya!
Ngayun lang ako nakasaksi ng ganitong asidente... nakakabigla, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tang ina kasi yung driver ng bus, parang gusto kasing paliparin yung sasakyan nya eh. Hindi na natutu. Dapat tanggalan ng lisensya yung mga ganung driver. hindi na siya naawa sa taxi driver na binangga niya at sa mga BATA at nanay na puno ng takot dahil sa ginawa nya... pati na rin sa mga taong nakasaksi ng aksidente. Sarili lang kasi niya ang iniisip niya. Syempre kung mabilis sya, mabilis siyang makakapunta sa destinasyon nya - mas maraming pasahero tipid pa sa gas!
At para naman sa driver ng sinasakyan kong FX, wag ka namang masyadong USYOSERO!!! Ayoko pang mamatay sa isang EXPLOSION NO! Diba ganun naman talaga sa pelikula, kapag nagkagas leak tapos nag karoon ng dissipation eh sasabog ng yung sasakyan. Tang ina nun ni manong, gusto pa yatang lumapit para manood. Kasi naman kung gusto niyang tumulong dapat, itinabi nya yung FX, bumaba siya at tumakbo para tulungan naman yung nanay ng mga bata makaalis sa taxi. Papatayin pa yata kami nang manong na yun... Paano pala kung sumabog yung taxi? Di pati kami patay! Pinalayo na nga yung ibang nakikiusyoso tapos sya parang isang batang excite makanood ng aksidente. Tang ina kinabahan talaga ako dun. Good thing it's not my TIME yet kaya naman hindi sumabog ang taxi. Grabe nakakatrauma pala yun... sa tuwing nakakakita ako ng taxi eh naaalala ko yung taxi na naaksidente. Shetness!!! Sana walang namatay! Yun lang.

5 Kumentaryo
isa sa mga dahilan kung baket ayaw ipagamit ng tatay ko yung kotse dahil baka raw makapatay ako o baka mamatay ako.. tsktsktsk
mabuti naman at okay ka mcrey.
XOXO
FB
Naku, kinabahan talaga ako nun... hindi ko mapigilan yung kabog ng dibdib... yung tipong takot na takot kasi baka sumabog talaga pero si manong tuwang-tuwa pa sa pakikiusyoso.,,
kala ko talaga sasabog yun katulad sa mga pelikula.
mabuti naman at hindi sumabog. kung ako ang nakasakay sa fx nyo, malamang bumaba na ako at nagtatakbp. pero kukutusan ko muna yung driver ng fx. pakshit e.
TAENA nung pauwi naman ako last time, may nakita akong umaapoy na na kotse, ayun, nakataob, tapos nauupos na halos.
Kinabukasan, nabasa ko sa dyaryo yung news na yan. Sa tandang sora din yun, dun sa may flyover...
Yays, kakatakot talaga mga accidents...
tsk...tsk...tsk...sayang...but litigations are on the way, i'm sure...
Post a Comment