HELLO EVERYONE, MAY BAGONG PAKULO ang MARIJUANA DEN!!!
YES! YOU READ IT RIGHT!!! MAY BAGONG BAHAY NA AKO!!! PERO i-uupdate ko pa rin ito... meaning kung ano makikita dito makikita nyo rin dun!!! OKAY?!!! hehehe
Matapos ang mahigit isang linggo ng pagkakamot ng ulo at pagpapakulo ng dugo ay natapos ko na rin sa wakas ang website na ito... Hindi nga lang kompletosrekado pero mapagtitiyagaan na rin. Hindi naman sya kasing astig ng wordpress o kaya naman blogger at kung anu-ano pang mga blog site eh at least masasabi kong ito ay especiall made by me. Shet!!! Ang drama!
Ito ang katas ng pawis sa kili-kili... ito ang bunga ang aking kulani... ito na sya. Ang bagong Marijuana Den. Pero syempre hindi ko naman aabandunahin yung isa kong blog sa blogger dahil yun yung una kong blog at nakaisang taon na siya diba?! Sayang naman kung iiwan ko pa. At isa pa, walang comment page dito para sa mga blog kaya hindi ko talaga maiiwan yung isa kong blog.
Pero bakit ko ba kasi ginawa ito?
[UNA] : Nagpa-praktis na ako para sa aming thesis sa WEBPROJ ngayung term. Kaya naman mas maganda na yung handa kesa umasa pa sa mga ituturo ng proffesor na kung mamalasin ka ay wala namang kwenta... kaya mag seself-study ka na lang. Wala pang masyadong feature ito. Simple lang.
WISH KO LANG na hindi ma hack ng mga spam ang system na ito... dahil kung hindi, balik sa umpisa... manuhan nanaman sa paggawa ng database.
[PANGALAWA] : Gusto ko kasi magkaroon ng sarili kong website.. yung sa akin talaga yung gawa ko mismo. Matagal ko na kasi itong ginagawa pero hindi katula dnito... yung mga overlay lang sa friendster at blogger. Syempre gusto ko naman yung functional diba? Hindi yung static lang na isang buwan bago mo i-update.
Kaya nga ngayun eh kahit kailan pwede ko na itong i-update diba?
Kaya sa lumikha ng PHP (Mr. Lerdorf ba yun), salamat dahil sa iyo ay nagawa na rin to... hahaha ano naman kaya ang next project ko?
Goodluck! Ang haba nice day!
0 Kumentaryo
Post a Comment