| 6 Kumentaryo ]

Grazias, Tangkyu, Boche', Istuti, Tack, Siyabonga, Choshcwleno' , Thank you, o sa madaling sabi, SAMALAT!

Ito na marahil ang pinakamagandang sabihin sa lahat ng taong maaari mong makasalumuha sa kalye, sa building, sa school, o saan mang sulok ng mundo, na maaring gumawa, nakagawa, at gagawa sa inyo ng isang pabor kahit na ba siya ay mawawalan ng isang minuto sa kanyang buhay upang sa gayon ay maayos mo ang kaunti o di kaya'y malaking gusot sa iyong buhay.

Pero kadalasan ang katagang ito ay tila nalilimutan na ng lahat sambitin sa kanilang kapwa na nagligta sa kanilang buhay. Isang patunay na rito ay noong iligtas si Princess Fiona ni Shrek na sa bandang huli na nagsorry at nagpasalamat matapos siyang iligtas mula sa pretty in pink na dragon na naging asawa ni Donkey.

SALAMAT. Ito na marahil ang pinaka limot na kataga sa aking diksyunaryo. Sa dinami-dami ng taong tumulong sa akin, nanlibre, nagbigay aliw, nagpaligaya, at nagbigay ng pabor eh mangilanngilan lang ang aking napasalamatan. Naalala ko lang kasi kanina habang nagmomoment ako under the scorching sun yung time na kinaylangan ko talaga ng limang piso para makauwi sa bahay.

Senaryo:

McRey: Manong bayad po. Sa manggahan lang. (handed him the 25 pesos)
Manong: Kulang pa ng 10 piso. Diretsyo po ito.
McRey: Ano? (30 pesos na lang ang pera ko nun)

Wala talaga akong pambayad eh saktong yung katabi ko nagbuklat ng coin purse nya, kaya naman mabilisan kong pinakapal ang aking mukha at matapang na hinarap ang knight with bulky purse at sinabing: Kuya may limam piso po ako? Pwede ping humingi?

Buti naman at mabait si Kuya... pero ano ang kulang? Hahaha... hindi ako NAGPASALAMAT at tila multong lang ako na dumaan at pinitik ang betlogs nya hanggang sa mamaga at bigyan ako ng 5 pesos. Matapos bigyan ng pabor eh tila walang nangyari.

Hindi ko rin alam kung bakit ngayon ko lang naalala na hindi ako nagpasalamat sa kanya. Pero ang mahalaga ngayon eh alam kung kung ano ang mali ko... and in just a matter of instant noodles eh nalaman ko ang tunay na kahalagahan ng katagang THANK YOU. Hindi ko na rin alam kung patay na ang taong yun o isang boss na sa malaking kumpanya. Kaya isang super THANK YOU na rin sa kanya dahil kung hindi eh matagal na akong naging pulubi sa lansangan ng Maynila.

Pero hindi rin naman dapat bumigat ang ating loob kung makaligtaan/kalimutan ng isang tao na magpasalamat sa atin, ang mahalaga naman eh marunong tayong magreply ng: You're welcome sa anumang uri ng lenguahe na nais nating gamitin. Sabi nga sa isang kanta WORDS have more meaning if they're said a certain time. Kaya hindi narin siguro dapat tayong mainis o magsumpa sa isang tao bilang INGRATO/INGRATA kapag hindi siya marunong magpasalamat... dahil what matters most is the person who said these two words to you.

Sabi nga ni Mama sa Lola Upeng: "Salamat Mai sa pag-aalaga mo sa amin."

Hindi ako nakadalo sa kanyang libing, pero bilang huling mensahe sa kanya eh isang pasasalamat na rin ang aking ipadadala dahil sa pag-aalaga niya sa aking nanay at mama. Salamat Lola Upeng!

6 Kumentaryo

billyBOG said... @ May 5, 2008 1:46 AM

wahahaha...teka hndi mu ba alm n 35 pesos ung pamashe???

ako nn puro tenk u nasa ibig2...haha..kahit ako n nsn nagbbgay e nagttka ako bakit nag ttenk u ako hahaha takte...mabait akong bata.....hahaha....tinatak ko n kasi sa icp ko un dati pa n laging mag ttenk u hahaha..at ur welcme...

Turismoboi said... @ May 5, 2008 1:59 PM

sayang naman! di ka nakapagpasalamat

baka sbhn KAPAL mo nga hahahaha

ok lang yan, nexttime pag nakita mo kung makikita mo, pasalamat ka

hehehe!

-mnel- said... @ May 5, 2008 2:08 PM

kabaligtaran mo ako. nainstill na kasi sa utak ko na magpasalamat parati. pati kamo mga pagkakataon na hindi dapat ako yung nagpapasalamat eh nasasabi ko pa rin. nakakatawa na lang.

McRey said... @ May 5, 2008 7:22 PM

@Billy: Hahaha, kasi diretso pala yun... eh yung hanggang manggahan eh 25 pesos lang... kaya nagulat talaga ako ng 35 pesos...

@Turismoboi: Ang problema lang eh hindi ko matanddan yung mukha niya... kaya ipagpapasadyos ko na lang ang lahat...

@doc Mnel: Minsan kasi nakakalimutan ko talaga magpasalamat... kaya ngayon eh pinagsisikapan ko na ngayon na palagiang magpasalamat sa mga taong ginawan ako ng pabor...

Kris Canimo said... @ May 5, 2008 8:26 PM

kung limot na ang salitang salamat.
laspag na siguro ang "i love you" o kea "sorry". hahaha

ganda nung cursor.

McRey said... @ May 6, 2008 3:07 PM

Limot na ng mga taong katulad ko...

hahaha...

pero ngayon it's time na para sa pagbabago dahil marunong na ulit ako magpasalamat...

hahaha...

Post a Comment