| 6 Kumentaryo ]

Bago ang lahat ay nais ko uling batiin si Bellan ng HAPPY 18th BIRTHDAY!!!

Kagabi birthday ng aking special friend na si Bellan. As in Bellen Blooms at 18...


The night out started mga 7 yata at dumating ako with Yangot ng mga 7:30 pm after yayain ang mga nakakasalubong namin sa daan na kakilala rin ni berthday gurl. Syempre pagdating dun eh kumain muna kami ng yangot... hahaha medyo nahihiya kami lumamon (hahaha biruin mo may hiya pala ako) kasi may nga ibang bisita rin.

So yun fastforward tayo nung dumating na ang iba pang tropa and high school friends... pati si karla late rin dumating. Ang mga hinayupak naman na blackbrattz eh kanya-kanya ng dahilan dahil hindi raw sila makakapunta. Hindi na nahiya sa debutant, alam naman nilang in a woman's life, yung 18 berthday ang pinakamahalaga kahit na simple o bongga pa ang celebration.

Masaya ako at naisipan ni bellan na magcelebrate dito sa Pinas, dahil ang alam ko eh baka sa HongKong daw nya na lang icelebrate ito together with her family.

Hmm... nakailang heneroso bottles ba kami? Ang natatandaan ko eh naka 3-4 kami at isang pakete ng yosi.

Grabe, ang saya kasi halos lahat eh lunod na sa espirito ng alak. Basta masaya pala ang berthday na maraming stock ng hard alcoholic beverage with matching bedyooke pa yan ka. Ito naman si Menggay eh wala pa rin pinagbago, ganun pa rin beautiful bitchy pekpek pa rin at todo birik pa rin... hahahah... pero syempre wala pa ring tatalo sa alindog ng mala-demigod na debutant na si Bellan together with her Breakaway performance of the night.

At base rin pala sa observation ko, totoo pala ang theory ni Greenpinoy na lasing na ang isang tao kapag ang pagbaybay niya sa katagang "WHAT" ay "WHIT". Maniwala kayo sapagkat proven na ito. Sinubukan ko nga rin that night eh.

Mengay: I'm tipsy man!
McRey: No you're not. If you're tipsy can you spell "WHAT"?
Mengay: That's no easy, it's W-H-I-T!
McRey: No it's not! It's W-H-I-T!
Mengay: That's what I've said!

Hahaha, biruin mo pati ako eh whit na rin ang spell sa what.

Kahit na 5 lang kami sa blackbrattz eh alam kong naging masaya ni Bellan... kasi at least may pumunta pa rin sa mga tropa niya no! Bellan lagi kaming nandito sa tabi mo!!!

Mahirap rin pala ang maging senglot. Ang akala ko ihi lang at suka ang katapat ng matinding hilo, pero hindi pala. Dun ko naramdaman ang worst senglot moment in my life. Hilong-hilo ako. Hindi ko na makilala kung sino si Bellan, muntik ko pa mayakap yung isa niya kaibigan, buti na lang eh may ulirat pa ako nung mga time na lasing ako kundi baka nasampal na ako. Hahaha...

Grabe talaga, dun ko naramdaman ang matinding hilo at marinding pamamanhid ng aking katawan pati na rin ang paghahabol sa sariling hininga. Ganun pala ang epekto ng alak at yosi sa katawan. Nakakahiya pa sa tatay at ate ni Bellan kasi gumawa ako ng champorado sa sahig... Hahahah... pero ngunit subalit datapwat gayunpaman, naging masaya talaga ako sa gabing iyo... at kahit lasing na lasing ako eh okies lang kasi wala pa rin tatalo sa bigkis nang aming pagkakaibigan.

Kaya muli, maraming-maraming salamat sa iyo Bellan at nabusog ako at nalasing sa iyong kaarawan!

HAPPY BIRTHDAY BELLAN! Tang ina, Mahal na mahal kita.

Kay Mengay, tang ina mahal din kita, always take care of Bellan ha!
Kay Karla, tang ina mo... lagi kang late! Hahahah!!! Love you rin!
Kay Yangot, tang ina kahit hindi mo binababa yang buhok mo sa tuwing tumatawag ako sa baba ng inyong bahay eh at least sumama ka kagabi!
KinaDeci, Pilo, May Ann, dont worry naiintindihan kayo ni Bellan, may trabaho kasi kayo.
Kay Ilay, malandi ka! Hindi mo man lang ginawan ng paraan para makapunta ka ang lapit lapit ng bahay mo!
Kina Genesis, Marjorie, Fantass at Jeffrey, nasan na kayo? Magparamdam naman kayo sa amin... kami-kami na lang ang nagkikita-kita dito sa manggahan!

MAHAL KO KAYONG MGA FRIENDS KO!!!

6 Kumentaryo

green pinoy said... @ May 6, 2008 8:27 AM

LOL!!! whit din?! hahahaha

McRey said... @ May 6, 2008 3:06 PM

OO!

Proven pala talaga... kaya mahuhuli mo ang mga lasing na wala na sa ulirat... hahaha...

The Gasoline Dude said... @ May 6, 2008 7:40 PM

Special friend? Hmmm... = P

McRey said... @ May 8, 2008 5:34 PM

Yep... special friend, pero hindi tulad ng marahil iniisip mo...

kapatid ko sya... kaya special friend.

lethalverses said... @ May 8, 2008 7:42 PM

W-H-I-T din!???!!

nyahahaha!!

hmm... special friend na kapatid? hehehe

McRey said... @ May 9, 2008 1:26 PM

Oo naman... lahat naman ng katropa ko special friends eh... kasi special children sila... (joke lang baka magalit... hahhaa)

Post a Comment